GABAY PANG KALUSUGAN, HANDOG SA KINABUKASAN
POEM BY: PAUL RYAN S. OAPER, RN
DIABETES EDUCATION TRAINING BATCH OCTOBER 2009
Adobong Ulam Na Kay Sarap-Sarap Kainin
At Krispy Patang Tiyak Na Uulit-Ulitin
Lechon, Ice Cream, At Kare-Kareng Nakahain
Maya Maya Lamang Ito Ay Uubusin
Fiesta, Birthday At Iba’t-Ibang Okasyon
Parating May Handaan, Tiyak Meron Ding Pabaon
Balot Dito, Balot Doon Kahit Pa Maghapon
Maihatid Lamang Sa Tiyang Naghahamon
Sigarilyo, Alak, At Sangkaterbang Pulutan
Laklakang Magdamag, Walang Humpay Na Kasiyahan
Reserba Pang Inumin, Talagang Hindi Mauubusan
Naka Ambang Panganib Di Inalintana’t Pinabayaan
Bakit Tila Yata Wala Kang Kabusugan?
Hindi Mo Na Inisip Ang Iyong Kalusugan
Sinasadya Mo Pa Na Ika’y Maging Batugan
Katabaan Mo Ngayo’y Wala Ng Masisidlan
Lapay, Bituka, At Bato Mo Na Pinaka-Iingatan
Ngayon Ay Lulong Na Sa Sobrang Kasaganahan
Naghihingalong Katawan, Hiling Ay Pakinggan
Na Iahon Sa Hirap, Sana Nawa Ay Kaawaan
Sa Pagdating Pa Ng Makabagong Teknolohiya
Computer,Psp, Elevator At Marami Pang Iba
Na Naging Daan Pa Sa Mga Nananamantala
At Pagiging Tamad Ay Unti-Unting Lumalala Na
Sanga-Sangang Sakit Ngayo’y Ika’y Nababagabag
Ngayon Ay Nagsisisi At Ikaw Ay Nahahabag
Sa Iyong Sarili Sapagkat Ika’y Lumabag
Sa Pagkain Ng Sobra Ikaw Ay Nabulag
Gabay Pang Kalusugan Sa Pagkain Ng Sapat
Ay Patungo Sa Landasing Naaayo’t Nararapat
Itama Ang Daan Sa Mga Taong Salat
Sa Sobrang Pagkain, Sakit Ay Mag-Uugat
Mag Silbing Aral Nawa Ito Sayo Kaibigan
Ng Hindi Maubos Sa Gamot Ang Iyong Pinuhunan
Sundin Lamang Ang Payo Na Para Sa Kabutihan
Pasensya Mo Nga Lamang Ay Dapat Na Habaan
Ngayong Alam Mo Na Ang Tamang Pamamaraan
Ikaw Ngayo’y Mag-Kusa, Ibahagi Ang Nalalaman
Ng Hindi Na Maulit Ang Ganitong Mga Karanasan
At Ng Makatulong Makabawas Sa Problema Ng Bayan

November 25th, 2009 at 11:29 pm
very nice poem…. keep up the good work!! to ADNE-PADE….Mabuhay! kayong lahat……
December 9th, 2009 at 11:23 am
uu nga po… ADNEP BATCH SUMMER 2009,join po kayo sa yahoo group ntin para makapgattend tyo sa GEN ASSEMBLY sa january 15, 2009, kelangan po tyo dun sabi ni nanay leyden…thanks
December 19th, 2009 at 9:47 pm
congratulations for that poem ryan! i hope that all people would read this and be aware to the abuse that they are doing to their bodies. there is still hope. we as educators should strive hard to make a difference in this world. God bless the Philippines!
March 26th, 2010 at 11:04 am
great poem sir! you caught the essence of being diabetes educator! nice nice! magandang ire-post sa fb as part of advocacy na rin po.. will you allow me to re-post this sir?